Home Headlines 4 timbog: Pekeng $100 bayad sa frozen chicken

4 timbog: Pekeng $100 bayad sa frozen chicken

598
0
SHARE

Ang mga naarestong Budol-Budol Gang nang iharap ng pulisya kay Bustos Mayor Francis Albert Juan. Kuha ni Rommel Ramos


BUSTOS, Bulacan — Arestado ang apat na katao na nagbayad ng counterfeit hundred-dollar bill sa pagbili ng frozen chicken sa Barangay Tibagan nitong Biyernes.

Ang mga inaresto ay nakilalang sina Albert Rosales Mendoza, 61; Rommel Mata Llarena, 53; Roberto Rosales Gallardo, 61; at Milagros Velasco Zapra, 52, na pinapaniwalaang mga miyembro ng Budol-Budol Gang.  

Nakatanggap ng ulat ang pulisya kahapon na tinutugis ng mga tanod ang isang Toyota Corolla na sinasakyan ng mga suspek.

Agad na rumesponde ang pulisya at nasabat ang white silver Toyota Corolla na may plakang WEB-741 na lulan ang mga suspek.

Ayon sa biktimang si Danna Joy Santos, bumili sa kanya ang mga suspek ng mga frozen na manok at ang pinambayad sa kanya ay 100-dollar bill dahil wala daw peso bill ang mga itong peso.

Pinagbilhan niya ito ng 14-kilo ng frozen chicken na nagkakahalaga ng P2,000 kayat sinuklian pa niya ng peso ang dolyar na ibinayad.

Kasunod noon ay pinapalit pa sa kaniya sa peso ang isa pang 100-dollar bill at napapasunod naman si Santos ng mga suspect kung kayat lahat ng sabihin nito ay kanyang ginawa na para siyang hinipnotismo.

Kayat sa kabuuan ay nasa P10,000 ang natangay ng mga suspek na mabilis na umalis lulan ng kotse.

Ayon kay Santos, nang makaalis ang apat ay saka lang nila napansin na fake ang binayad na dollar at agad na humingi ng tulong sa mga otoridad at dahil mabigat ang daloy ng trapiko ay agad na inabutan ang mga suspek.

Narekober sa mga naarestong suspects ang mga frozen goods at sila ay ikinulong sa Bustos police station para harapin ang mga kasong estafa (deceit/swindling) sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

Ayon sa pulisya notorious na Budol-Budol Gang ang mga naaresto dahil dumadayo pa ang mga ito mula Kamaynilaan patungo sa Bulacan.

Aminado naman ang mga suspek sa reklamo at humihingi ng dispensa sa kanilang atraso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here