Home Headlines 4 sugatan sa banggaan ng 2 sasakyan

4 sugatan sa banggaan ng 2 sasakyan

784
0
SHARE
Ang nagbanggaang mga sasakyan. Kuha ni Ernie Esconde

LUNGSOD NG BALANGA — Apat ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa bahagi ng Roman Superhighway sa lungsod na ito ng Bataan nitong Martes. 

Wasak na wasak ang parehong unahang bahagi ng SUV at ng tractor head sa nangyaring head on collision bago mag-alas 11 ng tanghali. Matapos ang salpukan, sumadsad ang tractor head sa railing ng tulay.

Hindi naman malala ang sugat na tinamo ni SUV driver Abraham Fausto at may-aring si Russel Destura ng Balanga City ganoon din ng driver ng tractor head na si Antonio Relatos at pahinanteng Teddy Ternal ng Bacoor, Cavite.

Agad silang nilapatan ng pang-unang lunas ng mga rumespondeng rescue workers ng Metro Bataan Development Authority. 

Sinabi ng SUV driver na kasalukuyang umuulan at papunta sila ng kasamang may-ari ng sasakyan sa direksiyon ng Maynila nang biglang mag-siyete ang trak at binangga sila. “Kami ang binangga. Mabuti at hindi ang van na maraming pasahero na sinusundan namin ang inabot.”

“Sumabog ang gulong ko sa kaliwa at hindi ko na makontrol ang manibela,” sabi ng driver ng tractor head.

Papuntang Mariveles ang tractor head na mula sa tinatahak na kanang lane ay tumawid sa kaliwang lane kaya nangyari ang banggaan sa kasalubong na SUV.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ng Balanga. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here