4 nahulihan ng 25-kilo marijuana

    395
    0
    SHARE
    STA.MARIA, Bulacan — Arestado sa isang buy-bust operation ang apat na kalalakihan kabilang ang isang menor de edad matapos mahulihan ang mga ito ng tinatayang nasa 25 kilo ng marijuana sa Barangay Guyong.

    Kinilala ang mga na sina Eurice Tigui y Bautista, alyas RR, 20; John Peter Pineda y Garcia, 20; Jeff rey Ponce, 18; Jay Lord John Laurence y Garcia, 18; at ang menor de edad na itinago sa pangalang Manny, 16, pawang mga residente ng Sta Maria, Bulacan.

    Ayon sa ulat kumagat sa buy bust-operation si Tigui kaya nabili sa kanya ang isang tea bag ng marijuana kapalit ng P500 marked money.

    Matapos ang transaksyon ay sinalakay na ng mga operatiba ang apartment na tinutuluyan ni Tigui at dito na ito naaresto kasama ang apat pang mga kasama na naaktuhan habang nagre-repack pa umano ng marijuana.

    Nakuha sa mga ito ang kalahating sako ng marijuana, apat na large packs na plastic bag at mga tea bag ng marijuana na tinatayang aabot sa 25 kilo na may street value na P1.4 milyon.

    Nakuha din ang mga timbangan ng marijuana at mga drug paraphernalia.

    Ayon sa PNP, marami ng naibentang marijuana ang mga suspek at bukod sa pagbebenta ay nagsisigamit din ang mga ito ng marijuana.

    Posible daw na ipinapalit na sa merkado sa bentahan ng ilegal na droga ang mga marijuana dahil sa Oplan Tokhang kontra shabu.

    Sa Mountain Province daw nagmula ang marijuana na nakuha mula sa mga suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Sta. Maria PNP at inihahanda na ang mga kaso laban sa mga ito at kabilang sa kakasuhan ang nahuling menor de edad.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here