Kabilang sa mga inaresto ng pulisya ang dalawang babae dalawang menor de edad. Sila ay nakilalang sina Hanna Fuentes, 23; Rosalie Molina, 20, a.k.a. Sally, pawang residente ng Barangay East Dirita, San Antonio, Zambales.
Sila ay nahuli sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police region 5, Regional Intelligence Unit at Goa Municipal police station sa pamumuno ni Senior Inspector Rodel Liza Pescuela, naaresto sa isinagawang follow up operation ng Zambales PNP sa pamumuno ni Chief Inspector Rogelio Penones ng Provincial Investigation Detective Management Branch at Subic police ang mga suspek sa San Isidro St., Barangay Goa, Camarines Sur.
Kasama sa inaresto sina alyas Joan at Che-Che, pawang 17-anyos, si Joan ang live-in partner ng biktimang si Shuan Leong, 55-anyos, retired Australian Army at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon naman kay Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic police station, matapos na makumpirma ang kinaroroonan ng mga suspek, nakipag-ugnayan na sila sa Goa PNP at doon mismo sa bahay ni Che-Che inaresto ang mga suspek.
Positibo namang itinuro ni Rolando Ambrosio, may ari ng apartment ang mga suspek, ganun din ang anak ng biktima na apat na taong gulang.
Sa imbestigasyon ng Subic police, lumilitaw batay sa medico legal, ang biktima ay pinalo sa ulo ng mga suspek habang nasa kasarapan ito ng tulog.
Narekober ng pulisya ang maso na ginamit sa pagpatay ng mga suspek sa barangay Calapandayan, Subic, Zambales kung saan doon itinapon ng mga suspek matapos isagawa ang krimen.
Ang mga suspek ay nakakulong ngayon sa Subic police station at inihahanda na ang kasong murder laban sa mga ito.
Dadalhin naman sa Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad matapos ang isasagawang imbestigasyon.