4 na OFWs patay sa Canada, pamilya nanawagan sa DFA

    289
    0
    SHARE

    MALOLOS— Nilukuban ng kalungkutan ang isang pamilya mula sa bayan ng Bocaue na naghahandang magpunta sa Canada upang sumunod sa kanilang padre de pamilya na si Joey Mangonon, 35.

    Ito ay dahil sa kabilang si Joey sa apat na Pilipinong nagtatrabaho sa Coast Edmonton Plaza Hotel na namatay matapos salpukin ng Range Rover ang sinasakyang nilang Dodge Journey van noong Linggo ng gabi, Lunes ng hapon sa Pilipinas. Isa pang kasama nina Joey ang nakaligtas sa nasabing aksidente.

    Nakaligtas din si Tyler James Stevens, 29, ang driver ng Range Rover na sumalubong at sumalpok sa sasakyan ng mga Pilipino. Si Stevens ay kinasuhan na ng Royal Canada Mounted Police (RCMP).

    Dahil naman sa pighati, halos walang masabi ang asawa ni Joey na si Jeanelle kung ang humingi ng ayuda sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang maiuwi ang bangkay sa Bocaue.

    Ang mag-asawang Mango-non ay may apat na anak.  Sila ay nakatira sa Barangay Bambang sa bayan ng Bocaue.

    Ayon sa mga kaanak, halos hindi matanggap ni Jeanelle ang balitang natanggap noong Martes ng madaling araw, Marso 6.

    Ito ay dahil sa halos isang taong pagtatrabaho ni Joey sa Coast Edmonton Plaza Hotel, nagplano na sila na pepetisyunin ang mag-iina upang makasama niya sa Lungsod ng Edmonton sa Canada.

    Ngunit ang lahat ng kanilang pangarap ay naglaho sa isang iglap ng salubungin at salpukin ng Range Rover na minamaneho ni Stevens ang Dodge Journey na sinasakayan ni Joey at mga kasama nito.

    Ayon sa mga kaanak ng mga Mangonon, ihahatid lamang nina Joey ang isang kaibigang babae patungo sa Estados Unidos sa pamamagitan ng long driving o mahabang pagbibiyahe mula Edmonton, Canada.

    Batay sa ulat ng mga pahayagang Toronto Sun at Vancouver Sun, naganap ang insidente sa kahabaan ng Queen Elizabeth Highway sa timog ng Innisfail may 120 kilometro sa hilaga ng Calgary bandang ala-1 ng hapon sa Pilipinas noong Lunes.

    Ang ikalimang biktima ay pasahero ng apat at inilarawan bilang isang 28 anyos na Pilipina na nasa kritikal na kalagayan sa Alberta Hospital sa Edmonton.

    Sinabi pa sa ulat na wala sa linya ang suspek at may posibilidad na lasing. Hindi pumayag ang suspek na magbigay ng breath sample sa pulisya, ngunit nananatili siya sa kustodiya ng mga ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here