BALANGA CITY, Bataan – Timbog ang apat na estudyante matapos diumano’y ma-aktuhan na halinhinang humihithit ng marijuana sa sulok ng isang bakanteng lote malapit sa mga sagingan ilang metro ang layo sa Mac Arthur Highway sa Barangay Ibayo, Balanga City Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Supt. Arnel Amor Libed, Balanga police chief, ang mga suspek na sina Mark Jaycee Basilio, 19, ng Barangay Lusungan, Orion, Bataan; Jason Almario, 18, ng Barangay Capunitan, Orion; John Christian Talaugan, 18, ng Lamao, Limay, Bataan at isang 15-taong gulang na lalaki; pawang mga estudyante.
Matapos makatanggap ng tip mula sa concerned citizen, nagsagawa ng raid alas-12:10 ng umaga ang pulisya at ang City Public Office sa pangunguna nina PO2 Joseph Mejia at PO2 Leonelle Gatchalian, Balanga City police investigators.
Nasamsam diumano sa apat ang isang improvised paper toother na naglalaman ng sunog at tuyong dahon ng marijuana.
Tumangging magsalita ang alin man sa tatlong suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek. Ang menor de edad ay isinailalim sa pangangalaga ng City Social Welfare Office.