Home Headlines 4 na bahay sa Orani tinupok ng apoy

4 na bahay sa Orani tinupok ng apoy

464
0
SHARE
Ang mga bahay na natupok. Kuha ng Orani BFP

ORANI, Bataan — Apat na bahay ang tinupok ng apoy sa isang sunog na naganap sa Barangay Pantalan Luma sa bayang ito, Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Fire Inspector Ariel Fabian, Orani fire marshal, na wala namang nasaktan sa sunog na nagsimula ng alas-9:12 ng umaga, fire under control alas 9:50 at nadeklarang fireout alas 10 ng umaga ring iyon.

Patuloy pa, aniya, ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog at kung magkano ang iniwang pinsala nito.

Pinayuhan ni Fabian ang lahat na magsagawa ng ibayong pag-iingat upang makaiwas sa sunog at ibang sakuna lalo na sa paglilipat ng Bagong Taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here