Sa panahon ngayon na ramdam ang bigat na dala ng mataas na presyo ng mga basic goods, rent at electricity bills, paano kakayanin ang pagba-budget sa araw-araw at patuloy na maka-ipon kahit konting halaga?
Ayon sa BDO Network Bank, hindi kailangang maapektuhan ang pag-iipon dahil may mga paraan para ang krisis ay malagpasan. Narito ang ilang tips on budgeting and saving na pwedeng gawin:
- Ilista ang mga expenses. Isulat ang lahat ng ginagastos buwan-buwan tulad ng pagkain, tubig, kuryente, renta, at iba pa.
“Magandang simulan ang habit na paglilista ng lahat ng pinagkakagastusan para ma-track ang iyong expenses. Sa ganitong paraan makikita kung tama ang iyong pagba-budget,” ani Ramon Militar, executive vice president at Community Banking Network Group Head ng BDO Network Bank (BDONB).
2. Alamin ang “needs” at “wants.” Ang “needs” ay mga bagay na kailangan o essential na gastusin, samantalang ang “wants” naman ay mga bagay na gusto o nais pero hindi naman talaga kailangan. Magiging klaro ang mga bagay na dapat unahin kung susuriin ang needs at wants.
3. Magtipid sa mga fixed expenses. Ang fixed expenses ay mga gastusin na hindi pabago-bago, tulad ng bayad sa kuryente, tubig, tuition at renta. Makakatulong sa pag-iipon ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente, tubig at iba pa.
4. Magbukas ng savings account. Para maingatan ang ipon mula sa nakaw at kalamidad, itabi ang pera sa bangko sa pamamagitan ng pagbubukas ng savings account. Ganito ang ginawa ni Julieta Parra ng Naga City, BDONB Savings account holder.
“Nag-iipon ako sa BDO Network Bank para safe ang ipon ko at para may magamit ako sa panahon ng emergency,” kwento ni Parra.
Isa rin sa pinaka nagustuhan na serbisyo ni Parra ay ang deposit pick-up service ng BDONB. Nakakatipid na sya sa pamasahe’t oras, hindi pa niya kailangang iwanan ang kanyang negosyo.
Para malaman kung paano magbukas ng BDONB Savings Account, pumunta sa pinakamalapit na BDO Network Bank branch sa inyong lugar. Bisitahin BDO Network Bank PH Facebook page – fb.com/BDONetworkBankPH at ang BDONB website bdonetworkbank.com.ph para sa iba pang detalye.