4 foreigner, 2 Filipino patay sa sunog sa Gapo

    430
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY — Nagmistulang mga uling ang apat na foreign nationals at dalawang Filipina guest nang ang kanilang tinutuluyang hotel ay lamunin ng apoy sa Barangay Barretto dito.

    Kinilala ni Major Alex Testado, city fire marshall, ang mga nasawi batay sa guest book ng Dry Den Hotel na sina James Brigate, Patrick Burk, isang nagngangalang Old Joe, 83-anyos, pawang mga American nationals at isang Korean  na si Hyung Ook Kim.

    Si Brigate ay natagpuan patay sa room 7, Old Joe sa room 2, Burk sa room 3 at Kim sa room 1 ng hotel.

    Dalawa pa sa mga Pinay guest na nasawi sa sunog ang hindi pa nakikilala.

    Ang sunog ay nagsimula dakong 3:30 ng madaling araw ng Biyernes habang nasa kasarapan ng mga tulog ang mga biktima at mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na restoran at bar.

    Inaalam pa ng mga imbestigador ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog at ang pagkakakilanlan sa dalawang Pinay na nasawi.

    Ang sunog ay umabot sa 3rd alarm at ideneklara itong fire under control ganap na alas-6 ng umaga.

    May hinala ang mga imbestigador na hindi kaagad nagising ang mga natutulog sa hotel nang maganap ang sunog.

    Napag-alaman pa rin na sarado ang fire exit ng gusali sa likurang bahagi ng hotel nang maganap ang sunog.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here