MALOLOS CITY—Apat na estudyante ng Bulacan State University (BulSU) ang nasugatan matapos mabagsakan ng natuklap na kongkretong kisame noong Martes ng hapon.
Ang mga biktima na nagtamo ng minor injuries ay nakilalang sina Jose Victor Carpio, Rachel De Guzman, Laurice May Ramos at Ma. Triselle Isip na pawang third year Industrial Engineering students.
Ayon kay Nicanor Dela Rama, dean ng College of Engineering ng BulSU, naganap ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa habang hinihintay ng mga estudyante ang kanilang guro para sa accounting class.
Agad namang isinugod sa BulSU clinic ang mga biktima at nilapatan ng paunang lunas ni Dr. Joselito Alday, ang university physician.
Ayon kay Alday, minor injuries ang tinamo ng mga estudyante, at ligtas na ang mga estudyante dahil na rin negatibo ang resulta ng isinagawang x-ray sa kanila.
“Negative ang x-ray nila, walang skull fracture,” ani Alday.
Kaugnay nito, sinabi ni Virginia Carpio, ina ng biktimang si Jose Victor Carpio na dapat higit na pagbutihin ng BulSU ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga gusali upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Bukod kay Jose Victor, sinabi pa ng ginang may isa pa siyang anak na nag-aaral sa BulSU.
Para naman kay Dr. Mariano De Jesus, pangulo ng pamantasan, maging siya ay nagulat sa insidente.
“Eye-opener sa akin ito dahil kauupo ko lang bilang presidente ng BulSU kaya lahat ng buildings isinailalim namin sa structural audit para malaman kung ano ang mga problema,” ani De Jesus.
Iginiit niya na mas higit nilang paiigtingin ang pagsasagawa ng structural at electrical audit ng mga gusali sa pamantasan upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa mga susunod na taon.
Ayon pa kay De Jesus, ang pagpapagamot ng mga estudyante ay babayaran ng kanilang student insurance at kung may iba pang gagastusin, nakahanda nilang sagutin.