Kinilala ni Senior Inspector Ariel Enriquez, hepe ng pulisya, ang mga suspek na sina Rey Mata, 23, may asawa; Antonio Miguel Jr., 24, binata; Celestino Guevarra, 27, binata; at June Mababa,18, binata, pawang mga magsasaka at residente ng Barangay Dolores, Sto Domingo, Nueva Ecija.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-3 ng madaling araw nang masita at mahuli ang mga suspek sa naturang lugar habang nagsasagawa ng dragnet operation sina PO2 Rodelio DC Rivera at PO2 Jeffrey Gregorio.
Diumano ay kahina-hinala ang mga kilos ng mga suspek habang itinutulak ng mga ito ang isang motorsiklo, Kawasaki HD-III, may plate number TE5724 at ang isa sa mga ito ay may hawak na isang panabong na manok. Natagpuan din ang lima pang manok na panabong sa loob ng back pack ng mga suspek.
Napag-alaman na ang mga manok panabong ay ninakaw umano ng mga suspek sa Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija. At positibo rin diumano na itinuro ng caretaker na si Del Mundo, 51, may asawa, residente ng Nagpandayan, Guimba, ang mga suspek.
Ang mga suspek at ang narekober na motorsiklo kasama ang anim na manok panabong ay nai-turn over na sa Guimba Police Station.