4 arestado sa cybersex

    426
    0
    SHARE

    MALOLOS CITY —Apat katao kabilang ang operator ng isang cyber sex den sa bayan ng Calumpit ang inaresto ng magakasanib na puwersa ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

    Ayon kay Senior Supt. Allen Bantolo, OIC provincial police director ng Bulacan, ang naaresto ay nakilalang si Buenaflor Gopez, ng Barangay Caniogan, Calumpit, kung saan ay doon din matatagpuan ang cybersex den.

    Inaresto rin ng  pulisya at NBI ang tatlong babaeng ginagamit ni Gopez para sa kanyang cybersex den.  Ang mga babae ay nakilalang sina Jennifer Mirador, 20, tubong Rizal province; Jenny Rose Esquivel, 19, tubong Antique at Melissa Genorga, 22, tubong Camarines Sur.

    Ayon kay Bantolo, nakakumpiska ang raiding  team ng dalawang computer set, dalawang computer rack, apat na office chair, mga kontrata at remittances mula sa mga cybersex subscribers, at may 20 piraso ng compact discs.

    Ang mga naaresto ay kasalukuyang iniimbestiga ng NBI -Bulacan District Office para sa dagdag na impormasyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here