Home Headlines 393 CL MSMEs, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DTI

393 CL MSMEs, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DTI

556
0
SHARE
May 393 micro, small, and medium enterprises sa Gitnang Luzon ang tumanggap ng livelihood kit mula sa Department of Trade and Industry. (DTI Pampanga)

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) — May 393 micro, small, and medium enterprises o MSMEs sa Gitnang Luzon ang tumanggap ng livelihood kit mula sa Department of Trade and Industry o DTI.

Humigit kumulang 4.43 milyong pisong halaga ang naipamahagi ng ahensya mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon sa ilalim ng programang Negosyo Serbisyo sa Barangay o NSB.

Ayon kay DTI Regional Director Leonila Baluyut, ang lalawigan ng Nueva Ecija ang may pinakamaraming benepisyaryo na nasa 95 MSMEs.

Sinundan ito ng Bulacan na may 70 benepisyaryo; tig-55 mula sa mga probinsya ng Pampanga, Tarlac, at Zambales; 35 sa Bataan; at 28 sa Aurora.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tulong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng hanggang 15 libong piso na maari nilang gamitin sa kanilang ninais na negosyo gaya ng sari-sari store, karinderya, at pagtitinda ng processed food.

Bukod dito, sumasailalim sa pagsasanay ang mga tumanggap ng ayuda upang mas mapalawig pa ang kanilang kaalaman sa entrepreneurial development. Bukas din ang Negosyo Center ng ahensya para sa iba pang pangangailangan ng mga benepisyaryo at maging ng mga indibidwal na nais magtayo ng sariling negosyo.

Layunin ng NSB na ilapit ang programa ng pamahalaan sa mga MSMEs at gabayan sila sa pagpapalago ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng iba’t-ibang serbisyo.  (CLJD/MJSC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here