Home Headlines 350 TUPAD beneficiaries nakatanggap ng payout ngayong Labor Day

350 TUPAD beneficiaries nakatanggap ng payout ngayong Labor Day

410
0
SHARE
Sina Sen. Joel Villanueva at Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa TUPAD payout ngayong May 1. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG BALIWAG — Ipinamahagi ng Department of Labor and Employment at pamahalaang panglungsod ang payout para sa 350 beneficiaries ng TUPAD program ngayong Labor Day.

Kasama ng DOLE sina Mayor Ferdie Estrella at si Sen. Joel Villanueva nang ipinamahagi nila ang tig-P4,600 na TUPAD payout na ginanap sa Baliwag Government Complex.

Ang mga TUPAD beneficiaries ay mga nagsipagtrabaho sa mga barangay sa naturang bayan gaya ng pagwawalis sa kalsada at paghahawan ng mga damo na hindi lalagpas sa 30 araw depende sa itinakda ng DOLE.

Natutuwa naman ang ilan sa mga TUPAD beneficiaries na gaya nina Laarnie Maglento, Demarie Oraya, at Lilia Bautista dahil sumahod na sila sa kanilang pagtatrabaho.

Gagamitin daw nila ito na pambili ng pagkain, baon ng anak, at pagpapaayos ng kanilang mga bahay.

Ipinaliwanag naman ni Villanueva sa kanyang talumpati na marami pa sa mga Pilipino ang walang hanapbuhay at marami din ang underemployed o sobrang qualified sa mga posisyon ngunit tinanggap na lang ito para magkaroon ng trabaho.

Sa pagtaya niya ay nasa 3 million ang unemployed at nasa hanggang 9 million naman ang underemployed.

Dahil aniya dito ay patuloy pa ang pagsusulong nila ng mga panukalang batas sa Senado para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here