Home Headlines 3,000 agrarian reform beneficiaries makikinabang sa bagong tulay sa Tarlac

3,000 agrarian reform beneficiaries makikinabang sa bagong tulay sa Tarlac

726
0
SHARE

Pormal nang binuksan ng Department of Agrarian Reform at pamahalaang bayan ng Sta. Ignacia sa Tarlac ang San Sotero bridge na may habang 22.8 metro at kabuuang halaga na 7.6 milyong piso. (Gabriela Liana S. Barela/PIA 3)


 

STA. IGNACIA, Tarlac — Pinasinayaan ng Department of Agrarian Reform o DAR ang San Sotero Bridge sa bayan ng Sta. Ignacia sa Tarlac.

Inaasahang may 3,000 agrarian reform beneficiaries mula sa mga bayan ng Sta. Ignacia, Mayantoc at San Jose ang makikinabang sa naturang tulay.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, bahagi ng programang Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang-agraryo ang konstruksyon ng San Sotero bridge na may habang 22.8 metro at kabuuang halaga na 7.6 milyong piso.

Layunin nito na pagaanin ang buhay ng mga magsasaka at tulungan sila sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa merkado.

Ani Castriciones, nararapat bigyang-pansin ang kalagayan ng mga magsasaka sapagkat isa sila sa mga maituturing na bayani sa gitna ng pandemya.

Hinikayat ni Sta. Ignacia Mayor Nora Modomo ang kanyang mga kababayang magsasaka na magpabakuna kontra COVID-19 upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa gitna ng pandemya. (Gabriela Liana S. Barela/PIA 3)

Samantala, ipinahayag ni Sta. Ignacia Mayor Nora Modomo ang kanyang pasasalamat at pagtanggap sa San Sotero bridge na makakatulong sa kanyang mga kababayan.

Tiniyak ng alkalde na iingatan nila ang tulay na sumisimbolo sa pag-asa at pagkakaroon ng magandang buhay ng mga magsasaka.

Sa isang maikling diyalogo sa mga magsasaka, tinugon ni Modomo ang kanilang hinaing ukol sa daan, abono, elektrisidad at iba pa.

Bukod dito, hinikayat din niya ang mga magsasaka na magpabakuna upang masiguro ang kanilang kaligtasan laban sa COVID-19. (CLJD/TJBM-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here