Home Headlines 300 mag-aaral sa Zambales nakiisa sa talakayan sa SOGIE, Gender Fair Media...

300 mag-aaral sa Zambales nakiisa sa talakayan sa SOGIE, Gender Fair Media Language

431
0
SHARE
Humigit kumulang 300 mag-aaral sa Zambales ang lumahok sa ikaapat na leg ng Kilos Kabataan Kontra Diskriminasyon virtual youth forum. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

IBA, Zambales (PIA) — Humigit kumulang 300 mag-aaral sa Zambales ang lumahok sa ikaapat na leg ng Kilos Kabataan Kontra Diskriminasyon virtual youth forum.

Ito ay inorganisa ng Philippine Information Agency o PIA katuwang ang President Ramon Magsaysay State University o PRMSU.

Ayon kay PRMSU President Roy Villalobos, napapanahon ang mga usaping gender fair media language at sexual orientation, gender identity, and gender expression o SOGIE upang mawakasan o maibsan ang mga gender-based discrimination lalo’t higit sa mga kabataan.

Aniya, ang kamalayan at kaalaman ng mga kabataan sa paggamit ng gender fair language ay mahalagang mapagyaman upang matiyak na ang paraang ng komunikasyon pabigkas man o pasulat ay walang bahid na diskriminasyon o pangungutya.

Ibinahagi rin ni Villalobos ang mga ginagawang hakbang ng unibersidad gaya ng pagpayag sa mga miyembro ng women and lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual o LGBTQIA+ community na magsuot ng naayon sa kanilang SOGIE basta ito ay disente sa isa sa mga aktibidad nito upang masiguro na pantay-pantay ang pagtingin sa bawat isa anuman ang kanilang identity expression.

Hinimok din niya ang mga kabataang Zambaleño na maging instrumento sa pagpuksa ng diskriminasyon habang nagsusumikap na mamuhay sa isang inclusive, gender fair, gender sensitive and safe society.

Nagsilbing mga tagapagsalita sa naturang forum sina PIA Tarlac Provincial Manager Trixie Manalili at PIA Pampanga Provincial Manager Marie Joy Carbungco.

Hangad ng PIA sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga kagayang aktibidad na mapaunawa ar mapataas ang kamalayan ng mga kabataan patungkol sa gender fair media language at SOGIE.

Kaugnay nito, binigyang pagkilala ni PIA Assistant Regional Director Carlo Lorenzo Datu ang malaking papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagtuldok ng diskriminasyong nararanasan lalo na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here