MALOLOS CITY – Halos 300 kawaning kontraktwal ng kapitolyo ng Bulacan ang mawawalan ng trabaho simula sa Huwebes.
Ito ay dahil magtatapos ngayon (Miyerkules) ang pitong araw na ekstensyon na ipinakaloob sa kanila makaraang magtapos ang kanilang kontrata noong Hunyo 30.
Batay sa memorandum No. PHRMO -2010-11 na inilabas noong Hulyo 1 ni Cynthia Abiol, hepe ng Provincial Human Resource Management Office, ang mga pinuno ng tanggapan at mga kawaning pansamantalan, casual at job order na katayuan ay binigyan ng pitong araw na ekstensyon na matatapos sa Hulyo 7.
Hindi kasama sa nasabing mga kawani ang mga kawaning nagsisipagtrabaho sa mga pampublikong pagamutan sa Bulacan.
Ayon sa nasabing memorandum, maaari pa rin na muling mag-apply sa kanilang binakanteng posisyon ang mga kawaning mawawalan ng trabaho.
Sa panayam naman ng Punto kay Abiol, sinabi niya na sa kabuuan, umaabot sa 460 kawani at pinuno ng mga tanggapan sa pamahalaang panglalawigan ang apektado.
Ngunit isinantabi muna nila ang pagtatanggal sa 180 kawani sa mga pagamutan na kinabibilangan ng mga duktor at nars dahil lubhang kailangan ang serbisyo ng mga ito.
Dahil dito, umaabot lamang sa 280 posisyon ang mababakante simula sa Huwebes.
Kabilang sa mga mababakante ay ang mga pang-pinunong posisyon katulad sa tanggapan ng Environment and Natural Resources, Legal, Assessor, Provincial Warden, at Civil Security.
Bilang hepe ng ENRO, inamin ni Engr. Ricardo Medina na nasa katayuang temporary siya kaya’t babakantehin niya ang kanyang opisina sa Huwebes ngunit muli rin daw siyang mag-aaply.
Ayon kay Medina, hindi niya nakuha ang permanenteng kalagayan ng kanyang posisyon dahil hindi pa niya natatapos ang masteral degree na isa sa mga requirements batay sa pamantayang itinakda sa huling reorganisasyon ng mga kawani sa kapitolyo.
Bukod sa mga nasabing tanggapan, sinabi ni Abiol na nabakante na mula noong Hunyo 30 ang posisyon ng hepe sa mga tanggapan ng Provincial Administrator (PA), Chief Of Staff (COS), Provincial Public Affairs Office (PPAO), at General Services Office (GSO).
Maliban sa GSO na ang hepe ay nag-resign bago dumating ang Hunyo 30, ang mga hepe ng PA, COS at PPAO ay pawang co-terminus kaya’t binakante rin ng mga ito ang kanilang tanggapan.
Kaugnay nito, patuloy naman ang paghahanap ni Gob. Willy Alvarado ng mga taong may kakayahan na maaaring mamuno sa mga tanggapang co-terminus.
Ilan sa mga pangalang lumutang at diumano’y kinukunsidera para sa mga nasabing co-terminus position ay sina Boy Payongayong, Cesar Villanueva, Marina Sarmiento at Jim Valerio.
Idinepensa naman ng mga malapit na tauhan ni Alvarado ang pagtatanggal sa mga kawaning kontrakwal sa pagsasabing sinusunod lamang ng PHRMO ang proseso.
Ito ay dahil sa noong Hunyo 30, sinabi ni Alvarado na wala siyang tatanggaling kawani ng kapitolyo.