Home Headlines 300 ektarya ng yellow corn nasira dahil sa El Niño

300 ektarya ng yellow corn nasira dahil sa El Niño

473
0
SHARE
Ang magsasakang si Jerry Due habang tinitignan ang natuyong bunga ng kanyang maisan. Kuha ni Rommel Ramos

MEXICO, Pampanga — Lugi ang mga magsasaka sa Barangay Anao sa bayang ito matapos masira ang kanilang mga tanim na mais dahil sa El Niño.

Pebrero pa lang daw kasi ay natuyo na ang lupa sa maisan kayat natuyo ang mga bunga dahil sa epekto ng matinding init.

Ayon kay Jerry Due, pangulo ng Pinagpalang Anao Irrigators and Farmers Association, natuyo na ang lupa dahil hindi na nila nasustine ang tubig dahil wala nang masipsip na tubig sa balon.

Wala naman daw ng makuhang irigasyon dahil matagal na din silang walang patubig mula sa Abacan River.

Dahil dito ay lugi ang mga magsasaka dahil mabababa ang kalidad ng bunga ng mais dahil natuyuan na ng tubig. Dapat sana ay aanihin na nila ang yellow corn sa susunod na buwan na ginagamit sana sa poultry.

Nasa pito hanggang walong tonelada sana ng mais ang aanihin nila sa kada ektarya kung naging maganda ang bunga ng mais na ngayon ay nasa lima hanggang anim na tonelada na lang na maliliit pa ang bunga.

Maibebenta na lang daw nila ito ngayon ng nasa P12 hanggang P13 kada kilo na dati ay nasa P18 kada kilo kung maayos ang bunga.

Dagdag din sa pagkalugi ang iniinda nila na dagdag gastos sa krudo para lang mapatubigan ang maisan ngunit dahil nga sa hirap sa pagkuha ng tubig ay hindi na rin talaga ito nasustenahan.

Nananawagan si Due sa pamahalaan na sana ay magawa na ang kanilang irigasyon para may nakukuhanan sila ng tubig kapag ganito na tumatama ang El Niño sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here