OLONGAPO CITY- May 30 deputized barangay traffic aides mula sa walong barangay sa siyudad ang sumailalim sa training-seminar na ginanap sa FMA Hall, ng Olongapo City Hall.
Ito ay bahagi ng proyekto ng Olongapo City government para sanayin ang mga barangay tanods na magsilbing mga traffic aide sa kanilang barangay.
Ang mga nasabing tanod ay mula sa Barangay West Bajac-Bajac, East Bajac-Bajac, Barretto, Sta Rita, East Tapinac, New Kalalake, Mabayuan at Asinan.
Ang seminar ay tumagal ng tatlong araw kung saan nagsilbing lecturer si SPO3 Marlon Agno ng Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT).
Tinalakay ni Agno ang traffic direction and control, proper apprehension at iba pang mahahalagang bagay bilang isang responsableng barangay traffic aide.
Nakatakda pa rin sumailalim sa training ang 2nd batch mula sa Barangay Gordon Heights, Old at New Cabalan, Kalaklan, Pag-Asa, New Ilalim, New Kababae, West Tapinac at Banicain.