Home Headlines 30 mga bagong modern jeepney, bibyahe na sa SJDM

30 mga bagong modern jeepney, bibyahe na sa SJDM

682
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Nasa 30 mga bagong modern jeepney ang madaragdag sa mga bumabyahe sa lungsod ng San Jose del Monte.

Ito’y matapos ang ginawang pagbabasbas at inagurasyon ng San Jose-Tungkong Manga Transport Service Cooperative sa ilalim ng ipinapatupad na Public Utility Vehicle Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ayon kay  Mayor Arthur Robes, buo ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga transport cooperatives upang makapagbigay ng dekalikad na serbisyo para sa bawat mamamayan at masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay na San Joseño.

Nasa 30 brand new Foton Modern Jeepneys ng San Jose-Tungkong Manga Transport Service Cooperative ang nakatakdang bumyahe na sa lungsod ng San Jose del Monte. (SJDM CIO)

Patuloy nilang susuportahan ang mga transport cooperatives na nabuo sa tulong ng Cooperative Development Authority o CDA.

Ang mga bagong modern jeep na may byaheng San Jose-Tungko Manga via Muzon ay kayang maglulan ang bawat isang yunit ng 16 hanggang 25 na mga pasahero at maaring magbayad ng pamasahe sa pamamagitan ng cash o digital fare collection system.

Ang ng mga tsuper na dating indibidwal na nagmamay-ari ng mga lumang tradisyunal na jeepneys ay nagsama-sama na bilang isang kooperatiba.

Kasabay ng inagurasyon ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong talagang opisyal ng naturang kooperatiba.

Naging katuwang sa pagsasakatuparan ng program ang City Traffic Management – Sidewalk Clearing Operations Group, City Cooperative Development Office, Department of Transportation, Land Transportation Office, LTFRB, CDA, Office of Transportation Cooperatives, Foton Philippines, at Landbank of the Philippines. (CLJD/VFC-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here