Home Headlines 30 magsing-irog pinag-isa sa gitna ng banta ng bagyo

30 magsing-irog pinag-isa sa gitna ng banta ng bagyo

141
0
SHARE

ABUCAY, Bataan: Hindi naging hadlang ang banta ng bagyong Kristine sa  pangarap ng 30 magsing-ibig na makasal nitong Miyerkules ng hapon sa Abucay, Bataan. 

Si Mayor Robin Tagle ang nagkasal  samantalang si provincial Board member Tony Roman ang tumayong ninong sa mass wedding na ginanap sa magandang Country Pool Villas sa Abucay.

Pinangunahan ni Local Civil Registrar Edgardo Ventura at mga kawani ang makasaysayang okasyon. 

 “Ang Kasalang Bayan ay isang patunay na ang tunay na pagmamahalan ay kayang harapin ang anumang unos—maging ito’y panahon o mga pagsubok sa buhay. Maligayang bati sa lahat ng bagong kasal, nawa’y maging matibay at puno ng pagmamahalan ang inyong pagsasama!,” sabi ni Genel Liwanag Llanes Real ng municipal tourism office. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here