Home Headlines 30 barangay sa Masantol, Macabebe lubog sa baha

30 barangay sa Masantol, Macabebe lubog sa baha

2422
0
SHARE

Mistulang dagat ang kalsada sa boundary ng Masantol at Macabebe sa lawak ng tubig baha kayat pahirapan sa mga malilit na sasakyan ang pagtawid dito. Kuha ni Rommel Ramos



MASANTOL, Pampanga
Ang karaniwang pagtaas ng tubig sa mga kalye ng ilang barangay dito at sa karatig bayan ng Macabebe tuwing high tide ay higit pang pinataas ng ulan na dala ng bagyong Pepito.

Kabuuang 11 barangay sa bayang ito ang apektado ng baha na umaabot ng hanggang isa at kalahating talampakang taas ng tubig.

Habang sa Macabebe naman ay 19 na barangay pa ang apektado ng hanggang tatlong talampakang pagbaha.

Ayon kay Masantol councilor Bajun Lacap, inaasahan nila na mas tataas pa ang nararanasang pagbaha simula bukas o sa susunod na araw dahil sa pagdating ng tubig na magmumula sa Nueva Ecija, Bulacan, at upper part ng Pampanga na dadaloy sa Pampanga River.

Ani Lacap, ang kanilang lugar kasi ang catch basin ng nasabing mga lalawigan bukod pa sa nararanasang high tide at mga pag-ulan.

Ang pagbaha ay inaasahan na tatagal pa ng mahigit isang lingo, dagdag niya.

Dahil dito ay inalerto na ng lokal na pamahalaan ng Masantol at Macabebe ang mga residente at inihanda na din ang mga evacuation centers sakaling kailanganin ang paglikas sa posibleng paglaki pa ng tubig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here