Home Headlines 30 Baler MSMEs lumahok sa Food Safety Awareness Seminar ng DTI

30 Baler MSMEs lumahok sa Food Safety Awareness Seminar ng DTI

414
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — May 30 micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Baler ang lumahok sa idinaos na Food Safety Awareness Seminar ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang mga lumahok ay may mga pwesto sa pampublikong pamilihan ng naturang bayan.

Ayon kay ni DTI Provincial Director Aldrin Veneracion, layunin ng aktibidad na bigyan ng pangunahing kaalaman sa ligtas na pagmamanupaktura ang mga MSMEs upang maiwasan, maalis, at makontrol ang mga hindi kanais-nais na insidente na may kaugnayan sa pagkain.

May 30 micro, small and medium enterprises sa Baler ang lumahok sa idinaos na Food Safety Awareness Seminar ng Department of Trade and Industry. (DTI)

Binigyang diin ni Veneracion sa mga lumahok na sumunod sa regulasyon na naaayon sa batas upang matiyak na tumatalima sila sa iba’t ibang pangangailangan at kumpiyansa ng mga mamimili.

Tinalakay ni Negosyo Center Business Counselor Gizel Dukha ang mga sitwasyon kung saan maaring maka kompromiso ang kalidad ng produkto, mga pamantayan, at mga dapat iwasan.

Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng ahensya na tumitiyak sa ligtas at magandang kalidad ng pagkain at produkto upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mamimili sa ilalim ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines. (CLJD/MAT-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here