MEYCAUAYAN CITY—Hindi bababa sa 30 pamilya ang nawalan ng tahanan sa lungsod na ito matapos lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan bandang alas singko ng hapon noong Huwebes.
Walang iniulat na nasaktan sa nasabing sunog na tumagal ng halos isang oras, at hindi pa rin matukoy kung magkano ang halaga ng nasunog na ari-arian.
Ayon kay Fire Marshall Chief Insp. Arturo Castro, OIC provincial director ng Bulacan Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naganap sa St. Francis, Baranga Gasak sa lungsod na ito, at tumagal ng halos tatlong oras.
Sinabi ni Castro na mabilis ang naging pagkalat ng apoy sa mga kabahayan dahil sa dikit-dikit ang mga ito na karamihan ay gawa pa sa mga light materials.
Nahirapan din ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa may kadiliman ang lugar at masikip ang mga daraanan.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Ngunit ayon kay Erlinda Jacinto, residente ng naturang lugar na isa sa nasunugan, sa bahay ng kapitbahay nilang si Totoy Centeno nagsimula ang apoy.
Ayon kay Jacinto, nakita niyang nagliliyab ang apoy palabas ng bintana ni Centeno kayat agad siyang kumuha ng mga damit upang ilikas ngunit ilang sandali lamang ay mabilis nang kumalat ang apoy.
Sinabi pa ng saksi na walang tao sa bahay ni Centeno nang maganap ang naturang sunog pasado alas-singko ng hapon.
Matapos ang sunog, sa kalsada at sa ibang kaanak nagsitulog ang mga biktima.