CABANATUAN CITY – Pormal nang inilunsad ng pamahalaang lungsod at SM Megacenter ang isang programa upang lumikha ng kabuhayan para sa mga tricycle driver na apektado ng pandemya.
Tinawag na 3 Wheels–On-The-Go, ang programa ay kapapalooban ng mga tricycle drivers na magsisilbing delivery service sa lungsod na tinaguriang Tricycle Capital of the Philippines.
Ang ideyang ito ay pangunaghing isinulong nina Mayor Myca Elizabeth Vergara at sangguniang panlungsod presiding officer Julius Cesar Vergara upang magpatuloy ang ligtas at kumportableng serbisyo ng mall habang ang mga tao ay nasa kanilang nga tahanan dahil sa quarantine.
Ang Nueva Ecija ay isa sa dalawang lalawigan sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng general community quarantine. Ang isa pa ay ang Bulacan.
“Because of the growing demand for food delivery, 3 Wheels–On-the-Go is one of the many ways to supports the livelihood of our tricycle drivers in this city and to provide services to the community without the worry of getting infected by Covid–19” pahayag ni SM Megacenter assistant mall manager Carolyn Licup.
Ang 3 Wheels–On-the-Go ay uupa ng local tricycle driver mula sa mga barangay na kinatatatayuan ng SM mall. Sasailalim ang mga driver sa orientation seminar bilang delivery rider, sanitation and safety protocols, at customer service.
Ayon kay Mayor Vergara: “This is cheaper than the usual delivery services as it is based on tricycle fare rates in the city”.
Naranasan na rin umano ng alkalde ang mag-order ng items mula sa SM Megacenter sa pamamagitan ng TODA partner.
Para maka-order, ang customer ay maaaring mag-chat sa Facebook ng SM Megacenter. Wala itong minimum purchase requirement at idi-deliver ng TODA drivers ng Barangay San Roque Norte sa nasasakupan ng lungsod, ani Licup.