BALANGA CITY – Dinakip nitong mga nakaraang araw ng mga tauhan ng CIDG-Bataan sa magkakahiwalay na operations laban sa mga “wanted persons” ang tatlo katao na nahaharap sa ibat-ibang kaso.
Kinilala ni Police Major Isabelo Ganao, hepe ng CIDG Bataan, ang mga suspek na sina James Merabuena na nahuli sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan na may kasong act of lLasciviousnes; Felicidad King Yap Borje na nadakip sa Barangay Palihan, Hermosa na may kasong perjury, at Michelle Miguel Montemayor na nadakip sa Barangay San Jose, Dinalupihan na may kasong paglabag sa B.P. 22 (estafa).
Si Merabuena ay pinagbabayad ng kaukulang piyansang P12,000; kay King Yap Borje naman ay P18,000; at kay Montemayor ay P15,000 para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.