Home Headlines 3 timbog sa inuman

3 timbog sa inuman

698
0
SHARE

STA. CRUZ, Zambales — Kalaboso ang sinapit ng tatlong kalalakihan matapos na maaktuhan na nagiinuman sa Barangay Pamonoran sa bayang ito.

Kinilala ni Major Randy Mendoza, hepe ng Sta Cruz PNP, ang mga suspek na sina Mario Merca, 42; Joey Merca, 36, at Roberto Etog, 52, pawang mga residente ng Purok 1, Barangay Pamonoran.

Ayon sa ulat bandang alas10 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may nagiinuman sa nasabinlugar, kung kaya lumibot ang mga tauhan ngPatrolyang Bayan at huli sa aktong nagiinuman ang mga suspek sa tapat ng kanilang bahay.

Ayon kay Mendoza, tinangka pang tumakas at makipaghabulan ng mga suspek sa mga awtoridad, subalit nasukol din ang mga ito.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11332 at Article 151 ng Revised Penal Code.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here