Home Headlines 3 SSF, naisalin na ang pamahahala sa 3 kooperatiba sa Bulacan

3 SSF, naisalin na ang pamahahala sa 3 kooperatiba sa Bulacan

582
0
SHARE

Ipinagkaloob na ng Department of Trade and Industry ang pamamahala at pagmamay-ari sa 1.1 milyong piso Shared Service Facility sa tatlong kooperatiba sa Bulacan. (DTI)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Ipinagkaloob na ng Department of Trade and Industry o DTI ang pamamahala at pagmamay-ari sa 1.1 milyong piso Shared Service Facility o SSF sa tatlong kooperatiba sa Bulacan.

Isinagawa ng kagawaran ang unang turn-over ceremony sa Disenyo Pandi Wedding Depot para sa Bagong Barrio Multi-Purpose Cooperative sa kanilang SSF on computerized embroidery.

Sumunod naman ang Luzon Dairy Cooperative para sa SSF sa dairy processing at San Ildefonso Doormat Manufacturers Association Inc. para sa gifts, housewares and decors shared service facility.

Ayon kay DTI Provincial Director Edna Dizon, ang SSF ay isang flagship program ng ahensiya na naglalayon itaas ang kalidad at produksyon ng mga gawa at produkto ng mga micro small and medium enterprises o MSMEs sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng makinarya, kagamitan, sistema at pagsasanay sa ilalim ng “shared system” napapabuti at naitataas ang kagalingan ng mga MSMEs na nagreresulta ng magandang kalidad ng produkto, mataas na kita, trabaho at malawak na merkado.

Ipinaliwanag ni Dizon na ang mga kagamitan na pag-aari ng DTI ay maisasalin sa mga cooperator sa pagtatapos ng ginawang kasunduan o memorandum of agreement at opisyal ng ido-donate sa mga beneficiaries na kinakitaan ng kakayahang pamahalaan at i-operate ng maayos ang pasilidad na naaayon sa layunin ng proyekto.

May kabuuang 26 SSF project na nagkakahalaga ng 18.8 milyong piso ang nai-turn over na sa iba’t ibang kooperatiba sa lalawigan simula pa noong 2019. (CLJD/VFC-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here