3 pintor sa Hanjin, nasabugan ng kemikal

    388
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales — Nalapnos ang katawan ng tatlong pintor ng Hanjin Heavy Industries Company, Ltd., sa Redondo Peninsula, Sitio Agusuhin, Barangay Cawag nang masabugan sila ng kemikal na inihahalo sa pintura.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Inspector Joan Sibayan, hepe ng Subic police, kinilala ang mga sugatan na sina Alvin Salvador, Noel Hilario at Liendon Hanopol na kaagad isinugod sa Bay Point Hospital (SBMA) Olongapo para sa medical treatment.

    Ilan pang mga manggagawa na nagtamo ng bukol at sugat sa katawan ay hindi umano dinala ng Hanjin sa pagamutan, bagkus nag “self-medication” na lang ang mga ito at hindi muna pinapasok matapos ang insidente.

    Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isa sa mga kawani ang nagsasagawa ng hot process works sa ibaba ng International Maritime Dangerous Goods tank nang maliparan ito ng baga mula sa sparks ang grinding machine na siyang dahilan para sumabog.

    Ito ang pangalawang insidente na naganap sa Dock 6 Assembly Area sa loob lamang ng isang linggo na pilit umanong itinatago ng Hanjin management.

    Nauna na dito, nang ang isang Koreano at kasamang Filipino worker umano ang muntik nang matusta sa loob Dock 6 Electrical Area nang may sumiklab sa loob ng barko.

    Nakaligtas ang dalawa matapos umanong pilit nilang ipinasok ang kanilang katawan sa porthole para makalabas sa confi ned space sa loob ng barko.

    Nabatid pa sa ulat na kulang ang Hanjin sa mga safety officers at wala din personal protective equipment na suot ang mga manggagawa bago sumabak sa kanilang mapanganib na trabaho sa pagawaan ng barko.

    Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here