Home Headlines 3 nurse positibo, ospital sarado

3 nurse positibo, ospital sarado

1135
0
SHARE

Ang ini-lockdown na Asccom Medical Center. Kuha ni Rommel Ramos



APALIT, Pampanga — Ini-lockdown nitong Lunes ng lokal na pamahalaan ang Asccom Medical
Center sa Barangay San Juan matapos magpositibo ang tatlong nurse dito.

Ayon kay municipal health officer Dr. Eric Von Samiley, ang dalawang nurse ay naka-quarantine sa kani-kanilang bahay at kasalukuyang nasa proseso para mailipat sa quarantine facility.

Habang ang isang nurse ay nasa hospital na kasama ang nahawa nitong ina na may sakit na pneumonia.

Asymptomatic ang tatlong nurse.

Paalala ni Samiley sa publiko na sumunod sa health protocol gaya nang pagsuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at social distancing.

Samantala, batay sa pinakahuling tala ng Pampanga Health Office nasa 60 na ang confirmed case, 38 recovered, at isa na ang namatay sa Covid-19 sa bayan ng Apalit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here