Home Headlines 3 nagbebenta ng bahay, lupang hindi kanila tiklo sa entrapment

3 nagbebenta ng bahay, lupang hindi kanila tiklo sa entrapment

1012
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO Tatlo kataong nagbebenta ng mga bahay at lupa na hindi naman nila pagmamay-ari dito sa lungsod ang dinakip ng mga tauhan ng CIDG Olongapo City Field Unit sa isang entrapment operation.

Kinilala ni CIDG-Olongapo chief Major Kim Dominic Gamboa ang mga dinakip na suspek na sina Analiza Castaneda y Gate, 49, ng Jasmin St., Barangay Sta Rita at Tracy Cosculla y Arcon, 47, ng No. 47 Mercurio St.,Barangay Gordon Heights pawang sa Olongapo Cityat Merly Gonzales y Ocampo, 54, ng Burgos St., San Marcelino Zambales.

Isang nagngangalang Michael Cordova na taga Pampanga na kasamahan ng tatlong naarestong suspek ang pinaghahanap ng pulisya.

Isinagawa ang entrapment operation ganap na alas3 ng hapon Miyerkules, sa loob ng Jollibee, Rizal Avenue dahil sa reklamong isinampa sa CIDG ng complainant na sina Christine Eva Piocos at Pauline Ballado.

Isinagawa ng CIDG ang entrapment operation dahil sa umanoy paglabag sa Articles 315 at 316 ng RevisePenal Code “Estafa thru Falsification of Public Documents.

Batay sa pahayag ng biktimang sina Piocos at Ballado sa CIDG, magkakasabwat ang tatlong suspek at si Cordova na nagpapakilalang sila ang tunay na nagmamay- ari at mga legitimate real estate agent to mortgage a house and lot na matatagpuan sa No. 1022 Sampaguita St. Barangay Sta. Rita sa halagang P150,000.

Sa isinagawang verification ng mga biktima sa status ng lupang isinasangla sa kanila sa City Assessor’s Office, lumalabas na hindi pagmamay-ari ng mga suspek ang nasabing lupain at ang mga dokumentong ipinakita sa mga biktima ay pawang palsipikado.

Sa isinagawang entrapment operation nakuha ng CIDG sa pagiingat ng mga suspek ang 80 piraso ng fake o boodle money na tig P500, dalawang genuine P500 bill, sari-saring dokumento gaya ng pekeng Deed of Real Estate Mortgage, Affidavit of Self Adjudication na nakapangalan kay Analiza Castaneda y Gayen at Real Tax Bill na nakapangalan kay Antonio Gayen, ibat-ibang ID cards at cellular phones na pagmamay-ari ng ma suspek.

Ang mga suspek ay nasa pangangalaga na ng CIDGOlongapo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here