Home Headlines 3 motorsiklo binangga ng minibus: 2 patay, 2 sugatan

3 motorsiklo binangga ng minibus: 2 patay, 2 sugatan

172
0
SHARE

MARIVELES, Bataan — Dalawang rider ang patay samantalang isa pang rider at kaangkas ang sugatan nang banggain ng mini-bus ang sinusundang tatlong motorsiklo pababa ng zigzag road papasok sa Freeport Area of Bataan dito, Huwebes ng umaga. 

Kinilala ni Lt. Col. Dennis Orbista, Mariveles police chief, ang mga nasawi na sina Joel Guinto, 46, ng Barangay Townsite, at security guard Alexander Dimafiles, Jr., 45, ng Barangay Poblacion, parehong sa Mariveles.

Si Guinto ay dead-on-the-spot samantalang si Dimafiles ay idineklarang dead on arrival sa Mariveles District Hospital. Sakay sila ng kani-kanilang motorsiklo at walang kaangkas. 

Ang rider at sakay ng isa pang motorsiklo na nasagi matapos mabangga ng mini-bus ang dalawang motorsiklo ay nasugatan at isinugod din sa Mariveles District Hospital. 

Sinabi ni Orbista na ayon sa driver ng mini-bus na si Emiliano De Lara, 62, ng Orion, Bataan, pababa sa zigzag road ang sasakyan nang magbago siya ng kambiyo sa third gear ngunit hindi pumasok at nanatili sa neutral.

Sinubukan umano ng driver na magpreno ngunit ayaw nang kumagat ang preno dahil sa mahabang pagbulusok nito at nag-init na kaya nabangga ang tatlong sinusundang motorsiklo.

Inihahanda na, ani Orbista, ang kaukulang reklamo laban sa driver.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here