Ayon kay Bulacan CIDG offi cer Joseph Nandu Jr., isisilbi sana nila ang search warrant na inilabas ng Bulacan RTC Branch 16 para sa suspek na si Randy Lopez dahil sa mga ilegal na baril ngunit agad na nagpaputok ito kasama ang dalawa pang hindi nakilalang mga suspek.
Dahil dito ay gumanti ng putok ang CIDG na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong suspek.
Narekober kay Lopez ang .45 pistola habang dalawang .38 baril naman mula sa dalawang kasamahan nito. Nakuha din sa crime scene ang mga improvised .22 airgun at mga drug residue.
Sinasabing ang grupo ni Lopez ay sangkot sa ibatibang uri ng krimen sa Bulacan gaya ng pagpatay, robbery at carnapping.
Patuloy pang sinisiyasat ng SOCO ang crime scene habang may follow up operation pa ang CIDG sa mga kasamahan ni Lopez.