Home Headlines 3 MILLION TREES IN 3 YEARS Estudyante hinikayat magpatubo ng puno

3 MILLION TREES IN 3 YEARS
Estudyante hinikayat magpatubo ng puno

1136
0
SHARE

GEN. TINIO, Nueva Ecija – Hiniling ng pamahalaang bayan sa lahat ng mag-aaral sa bayang ito na magpatubo ng anumang uri ng puno para sa programang “3 Million Trees in 3 Years.”

Ayon kay Mayor Isidro Pajarillaga, layunin nito na makuha ang buo at aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan para sa kapakanan ng taumbayan.

Naniniwala amg opisyal na higit na maisasapuso ang pagmamahal sa kalikasan sa ganitong paraan.

Bukod sa mga estudyante, kailangan ring magpatubo ng seedlings ang mga taga barangay.

Nasa 200,000 na taniman ng punla ang ipinamahagi sa mga estudyante at ganito ring bilang sa mga barangay, ayon kay Pajarillaga.

“Kaya yung three million at malamang maging five million pa,” sani ng alkalde.

Nitong Biyernes ay nilahukan ng iba’t ibang sektor ang tree-planting activity ng munisipyo sa watershed ng Upper Tabuating Irrigation Project.

Nilagdaan din ang isamg memorandum of agreement para sa mas malawakang reforestation program sa pagitan ng LGU, DENR, Philippine Army, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Rotary Club, National Irrigation Administration at iba pang organisasyon.

Ang bayan ng Gen. Tinio na karatig ng Doña Remedios Trinidad ng Bulacan ay itinuturing bilang dating episentro ng illegal-logging activity sa lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here