Sinimulan ang operasyon sa may 3,000 ektaryang lupain ng Nickle mine sa nasabing lugar sa loob ng tatlong taong kontrata na joint venture ng Australian, Rusina, DM Consuji Mining Corporation at Phil-Asia.
Ayon kay Zambales Gov. Amor Deloso, tatlong taong tax holiday ang inalok sa Rusina sa gagawing operasyon bilang incentive.
Aniya, bagamat nakakaranas ng economic crisis ang bansa, matutugunan umano ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hanap-buhay ng libo-libong mga kwalipikadong skilled workers.
Bukod dito, nakahanay na rin ang $1-bilyong Steel Manufacturing Company na itatayo sa may 82 ektaryang lupain sa Barangay Lauis, Candelaria, Zambales at ang $350-Million Tailing Plant sa Barangay Coto, Pasinloc, Zambales.