3 kawatan ng motor arestado

    392
    0
    SHARE
    CALUMPIT, Bulacan—Tatlong hinihinalang kawatan ng motorsiklo ang nadakip ng pulisya ng bayang ito matapos ang tangkang pagnanakaw makalawa ng gabi.

    Batay sa ulat ng ulisya, ang mga suspek ay nakilalang sina Jeffrey David y Pangan, 24; Jeffrey Sonza y Guevarra, 19; at Abraham Calaguas y Razon, 31.

    Ayon kay Supt. Efren Ramos, hepe ng pulisya, tinangkang pagnakawan ni  Tan at David at ng kasamang si Billy Sonza na nakatakas, si Armando Tan Jr., ng Barangay Palimbang sa bayang ito.

    Pinasok ng dalawang suspek ang apartment ni Tan at puwersahang sinira ang ignition key ng motoksikong Yamaha MIO3 na may plakang 1464-NU.

    Nadakip ng pulisya si David ngunit nakatakas naman si Billy Sonza, at nakumpiska ang isang motorskilo, dalawang plais, isang improvised pick lock na ginagamit na susi sa ninanakaw na motorsiklo.

    Sa pagssagawa ng follow up operation, nadakip ng pulisya si Jeffrey Sonza na nagbulgar ng mga pangalan ng kanilang kasama na sina Allan De Jesus, at Abraham Calaguas na isang mekaniko sa Mabalacat, Pampanga  na nadakip din ng pulisya.

    Ibinulgar din ni Jeffrey Sonza na binabayaran sila ni Calaguas ng P8,000 sa bawat motorsiklong kanilang nananakaw.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here