Home Headlines 3 ibon nasagip sa wildlife trader

3 ibon nasagip sa wildlife trader

639
0
SHARE

Ang dalawa sa wild birds na narecover ng DENR-CENRO mula sa isang trader. Kuha ni Rommel Ramos


SAN RAFAEL, Bulacan — Nasagip ng Department of Environment and Natural Resources ang tatlong wild birds sa kamay ng isang wildlife trader.

Nakilala ang trader na si Arnold Santos, residente ng Barangay Pasong Callos ng nabanggit na bayan.

Nakatanggap ng ulat ang CENRO na nakabase sa bayan ng Baliwag mula sa isang concerned citizen na may mga wild birds sa pangangalaga ng suspek.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang wildlife enforcement team ng CENRO sa lugar hanggang sa matagpuan ang dalawang crested serpent eagles (Spilornis cheelah) at isang white-breasted waterhen (Amaurornis phoenicurus).

Natuklasan ng mga otoridad na walang mga dokumento at permit mula sa DENR ang suspek.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa RA 9147 oang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 dahil labag sa batas ang pag-aari at pangongolekta ng mga wildlife na walang kaukulang dokumento lalo na ang pagbebenta nito.

Nasa pangangalaga ngayon ng DENRBiodiversity Management Bureau sa Quezon City ang dalawang serpent eagles para sa kanilang treatment habang pinakawalan naman agad ang white-breasted waterhen sa wilderness dahil nasa maayos itong kalusugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here