3 huli sa illegal fishing

    554
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Tatlong mangingisda ang dinakip ng mga tauhan ng 301st Maritime Police Station dahil sa paggamit ng pinong lambat sa may layong dalawang kilometro mula sa pampang ng Sitio Kinabuksan, Barangay Cawag dito.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rolando Caranto, 39-anyos; Roberto Patino, 40-anyos at Emilio Alganon, 18-anyos pawang mga residente ng Sitio Nagbayong, Morong, Bataan.

    Ayon sa ulat, alas 6:30 ng umaga nagsasagawa ng seaborne patrol ang team nina P/Inspector Alfredo Simbol, PO2 Wilfredo Burbano at PO1 Dante Guingab nang kanilang maispatan ang mga suspek sakay ng bangkang de motor gamit ang pinong lambat sa kanilang pangingisda.

    Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang isang bangkang de motor, tatlong kilo ng ibat-ibang uri ng maliliit na isda at pinong lambat na may habang 20 metro.

    Ang mga suspek ay nasa custody ng PNP Maritime at ipaghaharap ng kasong paglabag sa Section 88 at 89 ng RA 8550.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here