SUBIC, Zambales — Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic Police Station ang tatlong bigtime drug pushers sa isinagawang drug operation ng pulisya sa Barangay Matain sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic, ang mga suspek na sina Rodolfo Andrade alyas Uding, 41; Virgilio Favor, 42, at Abet Hindazan, 36, pawang mga residente ng Purok 1, Aplaya, Barangay Matain ng nasabing bayan.
Ang mga suspek ay dinakip ng team na pinamunuan ni Inspector Carlito Ballon, Jr., matapos na magkakasabwat na magbente ng plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500.
Narekober sa pag-iingat ng mga suspect ang walong transparent plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4,000. Ayon sa ulat ang mga suspek ay matagal nang minamanmanan ng pulisya dahil sa ilegal na gawain matapos na mapabilang ang mga ito sa talaan ng “drug watch personalities.”