Ayon sa ulat, alas-2 ng madaling araw habang nasa kasarapan ng tulog ang pamilya Quintero ng Purok 2, Barangay Mangan-Vaca, Subic nang magising sa pagtangay ng malakas na agos ng tubig ang kanilang bahay.
Naisugod pa ng Subic Public Order Safety Office (SPOSO) sa pagamutan ang siyam na buwang sanggol subalit ideneklara itong patay na.
Ayon pa sa ulat sinikap ni Reggie, ama ng mga biktima na iligtas ang kanyang mga anak, subalit hindi nito nakayanan dahil sa malakas na agos ng tubig, buhos ng ulan at madilim pa ang lugar.
Kaugnay nito, nagtulong-tulong sa retrieval operation ang SPOSO, PNP Maritime at Subic Coast Guard Station para hanapin pa ang isa pang batang nawawala.
Tutulong naman sa gastusin si Subic Mayor Jay Khonghun sa pagpapalibing sa mga biktima at pagpapagawa ng kanilang bahay para muling maitayo ito.