Kinilala ni Supt. Ronald De Jesus, hepe ng pulisya ng bayang ito, ang mga suspek na sina Arnel Alcaraz y Espina, 40 ng Valenzuela City, Aaron Dealagdon y Catcero, 29, ng Caloocan City; at Olimpio Panzilo y Sabilaw, 50 ng Tondo, Manila; at mga pawang tubong Samar.
Ayon kay De Jesus, ang tatlo ay nadakip sa harap ng isang convenience store sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Brgy. Biniang 2nd ng bayang ito bandang ika-6:30 ng umaga kahapon.
Sila ay dinakip dahil sa pagtatangkang bumili ng panabong na manok gamit ang mga pekeng salapit.
Narekober ng pulisya sa pag-iingat ng mga suspek ang 12 piraso ng P500 bill at isang piraso ng P1,000 bill na ayon sa pulisya ay pawang mga peke.
Ang tatlong suspek ay sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Article 168 kaugnay ng Article 166 ng Revised Penal Code na ngsasaad ng pagbabawal sa paggamit ng mga pekeng treasury bank notes at iba pang instruments of credit.
Matatandaan na noong Disyembre, talo katao din ang dinakip ng pulisya ng bayang ito dahil sa pamimili ng paputok gamit ang mga pekeng P1,000.
Sa nasabing insidente, sinabi ni De Jesus na ang modus operandi ng tatlong suspek ay bumili ng paputok na nagkakahalaga ng P200 na babayaran ng pekeng P1,000 bill.
Kapag sinuklian ang pekeng P1,000 bill, ang P500 noon ay mapupunta sa pinagkunan ng pekeng pera at ang produktong nabili at natitirang P300 ay mapupunta sa suspek na bumili.