Home Headlines 3 arestado sa pagawaan ng pekeng sigarilyo

3 arestado sa pagawaan ng pekeng sigarilyo

645
0
SHARE
Ang sinalakay na warehouse na pagawaan ng mga pekeng sigarilyo. Photo courtesy: CIDG-RFU3

PULILAN, Bulacan — Tatlo ang naaresto nang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Office 3 ang warehouse na pagawaan ng mga pekeng sirgarilyo sa Barangay Dampol 2nd dito nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng CIDG, naaresto sa buy-bust operation ang isang Chinese national at dalawang Pinoy dahil sa paglabag sa RA7394 (Consumer Act of the Philippines), RA 9211 (Tobacco Regulation Act), at RA 10863 (Act Modernizing the Customs and Tariff Administration). 

Narekober mula sa kanila ang ginamit na marked money, 60 reams ng complete product ng sigarilyo, mga strip stamp at raw materials na gamit sa pag-manufacture ng mga unregistered cigarettes.

Tinatayang nasa kabuuang halaga na P40,000 ang mga nakumpiska.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG sa Camp Olivas, City of San Fernando at ang mga nakumpiskang pekeng sigarilyo para sa tamang diposisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here