Home Headlines 29 seniors na edad 80-90 tumanggap ng cash gift

29 seniors na edad 80-90 tumanggap ng cash gift

103
0
SHARE

SAN MARCELINO, Zambales – Alinsunod sa RA 11982 (Expanded Centenarian Act), matagumpay na ipinamahagi ng LGU ng bayang ito nitong Mayo 23 ang tig-P10,000 cash gift sa mga senior citizens na nasa edad 80, 85, 90, at 95 taon.

Ang aktibidad ay ginanap sa Subic Sports Complex sa pangunguna ng National Commission of Senior Citizens sa pakikipagtulungan ng office for senior citizen affairs at ng municipal social welfare and development office.

Sa kabuuan, 29 ang nabigyan ng cash incentives sa San Marcelino, bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang mahabang taon ng buhay at kontribusyon sa bayan.

Sila ay nagdiwang ng kanilang 80th, 85th, 90th, at 95th birthday nitong Enero hanggang Marso 2025.

Dumalo sa nasabing payout sina MSWD officer Sahra Soria kasama sina OSCA head Fatima Ladringan at Senior Citizen Association of San Marcelino president Edilberto Ladiero.

Kaugnay nito, lubos namang nagpapasalamat si Mayor Elmer Soria sa pagsasagawa ng ganitong klaseng programa ng gobyerno na pinapahalagahan ang ang ating mga kababayan na may edad 80 pataas na patuloy na  ipaparamdam ang pagmamahal at suporta sa kanila. San Marcelino PIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here