LUNGSOD NG BALANGA (PIA) — Nasa 29 food at non-food micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang lumahok sa isinagawang Likha ng Bataeños Trade Fair ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ito ay idinaos mula Mayo 18 hanggang 21 sa WalterMart Balanga.
Ayon kay DTI OIC-Provincial Director Eileen Ocampo, layunin ng isinagawang trade fair na maiugnay ang mga exhibitors sa merkado upang mas mapalaki ang kanilang kita habang itinataguyod ang pinakamahuhusay na produkto ng probinsiya.
Kabilang sa mga itinampok ang native delicacies, handicrafts, processed food, mga malikhain produkto at mga produktong agrikultural.
Umabot sa P381,089 ang kinita ng apat na araw na trade fair.
Bukod dito, patuloy ang pag tulong ng ahensya sa mga MSMEs sa pamamagitan ng mga entrepreneurial trainings, product development, financing facilitation at market matching linkaging. (CLJD/RPQ-PIA 3)