PORMAL nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Official Nominees ng 28th Star Awards for Television. Ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa ika-23 ng Nobyembre, 2014, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino, lungsod ng Paranaque, 7:00 ng gabi.
Magsisilbing hosts sina Piolo Pascual, Kim Chui at Enchong Dee. Ngayong taong ito ay iluluklok sa Hall of Fame ang programang ‘Bubble Gang.’ Sa Best Drama Actor, 4 na taga- ABS-CBN at 4 na taga-GMA7 ang magtutunggali, samantalang sa Best Drama Actress ay 5 Kapamilya at 2 Kapuso ang maglalaban.
Magbabangga naman sa Best Comedy Actress ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, habang ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay maglalaban sa Best Game Show Host.
Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa ABSCBN’s Sunday’s Best sa ika-30 ng Nobyembre, 2014, 11:00 ng gabi.
Ang 28th PMPC Star Awards for Music ay mula sa produksyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Arnel Natividad.