Home Headlines 282 bagong kaso ng Covid-19 sa Bataan

282 bagong kaso ng Covid-19 sa Bataan

708
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Sa ulat ng provincial health office ngayong Huwebes, nagtala ang Bataan nitong Miyerkules ng 282 pasyente na bagong nagpositibo sa coronavirus disease na nagpaangat sa bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 16,862 na ang 34 ay Delta variant at 2,975 ang mga aktibong kaso.

Sa kabuuan, Mariveles ang may pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 1,299, na sinundan ng Balanga City – 382, Limay – 294, Dinalupihan – 263, Orion – 168, Abucay – 97, Bagac – 95, Hermosa – 91, Samal – 90, Orani – 86, Pilar – 82, at Morong – 28.

Ang buong Bataan ay isinailalim sa enhanced community quarantine, matangi sa Mariveles na ECQ with heightened restrictions, mula Agosto 8 hanggang Agosto 22, 2021.

Sa nakaraang mga araw ay laging nangunguna ang Mariveles sa pang-araw-araw na bilang ng mga bagong nagpositibo sa virus. Sa huling ulat ng PHO, kapuna-puna na mababa na lamang ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso sa nasabing bayan na itinuturing na epicenter ng Covid- 19 sa Bataan.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa Orion – 46, Dinalupihan – 42, Balanga City – 31, Abucay – 29, Pilar – 27, Hermosa – 25, Orani – 23, Bagac – 17, Limay – 15, Mariveles – 13, Samal – 11, at Morong – 3.

Nagkaroon naman ng 60 na bagong nakarekober na nagpataas sa kabuuang bilang nito sa 13,295 samantalang isang 81-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan ang pang-592 sa mga pumanaw.

Ang mga bagong nakarekober ay mula sa Mariveles (11), Balanga City (10), Orion (10), Abucay (7), Dinalupihan (6), Samal (5), Hermosa (4), Pilar (4), at Limay (3).

Ang tumanggap ng first dose ng bakuna laban sa Covid–19 ay 169,505 samantalang 120,135 na ang fully vaccinated kabilang ang 43,404 na nabakunahan ng single-dose Janssen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here