28 huli sa dynamite fishing

    353
    0
    SHARE

    IBA, Zambales – Kabuuang 28 mangingisda na kinabibilangan ng apat na menor de edad ang dinakip ng mga tauhan ng PNP Maritime at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Region lll sa isinagawang joint seaborne operation sa West Philippine Sea dahil sa talamak na dynamite fishing na siyang sumisira sa mga fish aggregating device (FAD) o payao na nasa karagatan ng babayin ng Zambales.

    Ang nasabing operasyon ay batay sa reklamo ng Western Luzon Payao Fishermen’s Association (WLPFA) kay Zambales Provincial Fishery Officer, Reynaldo Reologio na kinakailangan masugpo ang laganap na dynamite fishing
    sa nasabing lugar.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Nepumoceno Magno Maquera Corpus, Jr., chief ng Regional Maritime Unit 3, ang mga mangingisda ay huli sa aktong naghahango ng isdang huli sa dinamita ng team na pinamunuan ni Senior Inspector Rey Cacacho sa payao number RV 345 sa may layong 38.9 nautical miles west off Masinloc, Zambales habang sakay ang mga ito ng unmarked fishing boat.

    Kinilala ang mga suspek na sina boat captain Nestor Onion Pasaylo, boat mechanic Erick Abadilla Conception, Renato Onion Abong, Rolando Villamas Limboc, Gilbert Medina Sampay, Rogelio Dulay Abong, JM Canete, Gerald Ebanada Montano, Cristian Tampis Morales, Alfredo Mahilom Hila, Rodel Monterolla Capillan, Salde Devilla Pineda, Renato Militar Vella, Crisanto Goacha Cruz, Marvin John Abin Bautista, Ernesto Legres Mahinay, Pedro Codesal Catapang, Condrado Boy Sumalinog, Mark Jason Del Rosario Mananquil, Noel Ochia Recto, Darwin Bocaling Sanchez, Wilbert Sumagang Abong, Nico Salazar Palicarpio, Jeric Biel Tangco and Jerry Biel Tangco, pawing residente ng Barangay Wawa, Nasugbu, Batangas.

    Huli din ang apat na menor de edad. Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang anim na bote ng dinamita, mga isda na huli sa dinamita at ibat-ibang fishing paraphernalia.

    Ang 24 na suspek ay detinido sa Zambales Provincial Jail at ipinagahrap na sa kasong paglabag sa RA 8550 na lalong kilala sa Philippine Fisheries Code of 1998, samantalang ang apat na menor de edad ay nasa custody ng Provincial Social Welfare Office sa bayan ng Iba, Zambales.

    Kaugnay nito, pinagkalooban ni Senior Supt. Corpus ng “Medalya ng Kasanayan” sina Senior Inspector Rey Cacacho, Inspector Leoncio Alcantara Jr., SPO3 Fermin Lagasca III, SPO1 Jennifer Pagaduan, PO3 Mariel Cuizon, PO2 Manolito Carbonel Jr, PO1 John Michael Marqueda at PO1 Alvin G Ambre.

    Binigyan din ng “Medalya ng Papuri” sina SPO3 Roger Francisco at labing-isang (11) PNCOs sa kanilang administrative at operational support.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here