27 katutubo sinanay maging barefoot doctors

    358
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales —-Kabuuang 27 mga katutubo ang sinanay ng isang foundation para maging mga “barefoot doctors” ang nagtapos noong nakaraang Biyernes sa Sitio Gala Barangay Aningway-Sacatihan sa bayang ito.

    Pormal na binigyan ng Foundation of Our Lady of Peace Mission sa pamumuno ni Sister Eva Fidela Maamo ng mga diploma ang mga katutubo na galing pa sa ibat ibang tribo sa bansa matapos ang pagsasanay.

    Malaki ang pasasalamat ni Maamo sa determinisyon ng mga katutubo na matuto tungkol sa basic health care dahil ito umano ang nakikita niyang solusyon upang matugunan ang mataas na mortality rate sa mga liblib na pa mayanan sa Pilipinas.

    Layunin ng dalawang linggong pagsasanay na ihanda ang mga katutubo bilang mga community health workers sa kani-kanilang mga komunidad na madalas ay hindi napupuntahan ng nga doktor at kadalasang walang mga health clinic.

    Kabilang sa naging pagsasanay ng mga katutubo ay ang pagbibigay ng paunang lunas at pagkakaroon ng impormasyon tungkol sa primary health practices.

    Isa sa mga sumailalim sa pagsasanay ay si Amelia Apang, 58, katutubong Aeta mula sa Pampanga.

    Ayon kay Apang, malaking tulong para sa mga katutubong gaya nila ang maturuan bilang mga community health worker dahil ang makikinabang dito ay ang kanilang komunidad.

    Dugtong pa ni Apang, madalas may namamatay sa kanilang tribo dahil sa sakit na di natutugunan ng mga doktor o health worker.

    Ang mga nagsanay sa mga katutubo ay mga volunteer physicians na sina Dr. Jason Abello at Dr. Dalvie Casilang ng Department of Health.

    Ang mga sinanay ba katutubo na nagmula pa sa tribong Talaandig ng Bukidnon, Aeta ng Zambales at Pampanga, Itneg ng Ilocos Sur, Dumagat ng Bulacan, Hanunoo ng Mindoro, at Agta- Dumagat ng Aurora.

    Nagsimula ang training para sa mga barefoot doctor noong 1975 at sa kasalukuyan ay mayroon nang halos 300 mga barefoot doctor mula sa mahigit 100 tribo sa buong bansa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here