Home Headlines 26 brand-new modern jeepney, papasada sa SJDM

26 brand-new modern jeepney, papasada sa SJDM

964
0
SHARE
Nasa 26 na brand new modern jeepney na may rutang Sapang Palay hanggang Grotto via Tungkong Mangga ang nakatakdang pumasada sa lungsod ng San Jose del Monte. (SJDM CIO)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Muling nadagdagan ng 26 na brand new modern jeepney ang papasada sa lungsod ng San Jose del Monte.

Ang mga bagong jeepney ay bahagi pa rin ng ipinatutupad na Public Utility Vehicle Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Nakatakdang bumiyahe ang mga ito sa lansangan ng lungsod na may rutang Sapang Palay hanggang Grotto via Tungkong Mangga.

Nasa 26 na brand new modern jeepney na may rutang Sapang Palay hanggang Grotto via Tungkong Mangga ang nakatakdang pumasada sa lungsod ng San Jose del Monte. (SJDM CIO)

Sinabi ni Mayor Arthur Robes na patuloy nilang susuportahan ang mga transport cooperatives na nabuo sa pamamagitan ng tulong ng Cooperative Development Authority.

Ang mga tsuper na dating indibidwal na nagmamay-ari ng mga lumang tradisyunal na jeepney ay nagsama-sama na bilang isang kooperatiba.

Tinatawag na sila ngayon Sapang Palay Grotto Transport Service Cooperative.

Ayon pa sa alkalde, naka-alalay ang lokal na pamahalaan sa sektor ng kooperatiba upang maisaayos ang transportasyon sa lungsod at maseguro rin ang kaligtasan ng bawat pasaherong mananakay.

Kayang maglulan ang bawat isang yunit ng 16 hanggang 25 na mga nakaupong pasahero.

Maaring magbayad ng pamasahe sa pamamagitan ng cash o digital fare collection system.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here