229 huli sa traffic violation

    376
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY – May 229 traffic violators ang dinakip ng mga tauhan ng Highway Patrol Group 3 (HPG3) Zambales sa pagpapatupad ng RA 4136 (LTO Law) at Anti-Carnapping Law mula January hanggang September 2009, ayon sa pulisya.

    Sa ulat ni HPG3-Zambales Provincial Chief, Chief Inspector Noel Nuñez kay HPG3 Regional Chief, Sr. Supt. Fernando Villanueva, karamihan sa mga nahuling traffic violators ay hindi nakasuot ng helmet, seat belt, walang driver’s license at dalang Certificate of Registration (CR) at Official Receipt (OR).

    Ayon pa kay Nuñez, sa 33 sasakyang na-impound ng HPG3-Zambales, 18 ay motorsiklo, 15 motor vehicle at 3 carnapped motor vehicle ang narekober sa isinagawang pagpapatupad ng “Oplan Mr. C” at No plate , No Travel”.

    Ang mga nahuling mga violators ay walang mga  OR at CR, hindi nakarehistro ang sasakyan at peke ang plaka na nakakabit sa sasakyan.

    Ayon naman kay HPG3-Zambales Investigator SPO3 Marlon Agno, may 10 motorsiklo at 9 na motor vehicle ang kanilang ini-release matapos na magpakita ng kaulang dokumento ang mga nagmamay-ari ng sasakyan sa kanilang tanggapan.

    “Kaya namin ini-release yung mga ilang sasakyan ay may ipinakita namang sapat na dokumento yung mga nagmamay-ari, kaya lang ng sila ay mahuli ay wala silang dalang dokumento na maipakita, kaya nagkaroon ng pagdududa yung ating HPG operatives kaya ito ini-impound for verification”, dagdag pa ni SPO3 Agno.

    Ayon pa sa ulat karamihan sa mga traffic violators ay mga kawani at opisyal ng gobyerno na hindi marunong sumunod sa ipinapatupad na batas trapiko.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here